Posted by Unknown | Posted on Thursday, April 11, 2013
![]() |
Demon Hunters VS Litratistas |
Mula Kabite , ako'y nagbiyahe patungong Quezon City upang umattend ng isang event ng aming grupo ....Alas nuwebe ang usapan..Gate 1 ng Ninoy Aquino Park & Wildlife .... Bumababa ako ng MRT Quezon Ave , sumakay ng jeep at sinabi sa manong driver na ibaba ako sa gate 1 ng Wildlife . Pagbaba , agad agad akong lumapit sa guard at nagtanong . " Chief, san ang gate 1 ? " GUARD: direchuhin mo lang yan . So ako naman naglakad kung saan tinuro ni guard ang gate 1 . Medyo malayo na rin ang aking nalalakad at wla pa rin akong nakikitang gate . So tumigil ako at nagmasid masid , bigla akong tumingala sa isang malaking building . Napansin ko ang malalaking letra na nakadikit sa mga bato " LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES " , napaisip ako , buong buhay ko di naman ako naninigarilyo , hndi naman pagpapacheck-up sa ba-ga ang pinunta ko dito , kaya naghanap ako ng pinakamalapati na tao na mapagtatanungan hanggang sa umabot ako sa entrance ng building . " Boss , san po ba ung wildlife ? " TAO : dun iho , tatawid ka lang at dun mo na makikita ang gate 1 . Nung nakita ko ang mga daliri ni manong na nakaturo kung saan ako nanggaling ,sa isip ko , ako'y napa w0wwwww . Pero palusot ko na lang sinabi na.. "Ahhh, doon po ba ..ok maraming salamat po " .Sabagay , mali ko rin siguro . Dapat una pa lang , ang tinanong ko na sa guard ay " ASAN PO BA ANG GATE 1 NG WILDLIFE " Well, sorry lang , tao lng..namemental block sa init ...LIKE A BOSS !! NAGKAKAMALI DIN ! !
Touchdown WILDLIFE!!!!!
Nakarating na din at nakita ko na ang aking mga ibang ka-grupo . Kamustahan dito ,kamustahan doon , chismisan dito , chismisan din doon . Masaya .Nakakawala rin ng stress mula sa isang linggong trabaho . Ilang minuto lang makalipas ang alas nuwebe , handa na ang mga model at kami ay nagsimula na.....
![]() |
BTS Litratistas in Action |
Sa kabila ng init , enjoy naman ang grupo . Pati ako , enjoy din . Isa na namang event ang dumaan na nakapagpadagdag experience sa aking kinaka-adikang propesyon . Post ko na lang mga pics dito .
Comments (0)
Post a Comment